“DSPC 2015, we are the champions!” Ito ang naging sigaw ng mga kalahok ng Sablayan National Comprehensive High School nang muli ni- lang pinatunayan ang kanilang natatanging galing sa pamamahayag nang kanilang masungkit ang kampeonato sa ginanap na Division Schools Press Conference sa San Jose National National High School, Nobyembre 3-6, 2015. Parehong nakamit ni Gabriel Ebora (G9) at Paolo Palomar (G9) ang kampeonato sa pagsulat ng Isports, English at Filipino. Inuwi naman ni Kimberly Valentin (G9) ang kampeonato sa Pagwawasto at Pag-uulo ng balita. Sinungkit ni Bea Mae Punongbayan (G8) ang kampeonato sa Photo journalism and Layouting English at ikalawang puwesto sa Science and Health writing English. Inuwi din naman ni Luv Chiles Torres (G8) at Juvy Verdida (G10) ang ikatlong puwesto sa Pagguhit ng Editoryal, English at Filipino. Nakuha ni Julianne Allyson Garcia (G8), Estel Ramirez (G7), at Maries Christina Hernandez ang ika-anim na puwesto sa pagsulat ng Editoryal, Photojournalism and Layouting Filipino, at News writing English ayon sa pagkakasunod-sunod. Sinungkit nina Jessie May Solabo (G10) at Marinella Regalado (G10) ang ika-pitong puwesto sa pagsulat ng Balita at Lathalain ayon sa pagkasunod-sunod. Nakamit naman ni Zerinna Jin Del Rosario (G8) ang ika-siyam na puwesto sa Copyreading and Headline writing English. Sinungkit naman nina Diana Grace Manzano, Jaira Edrianne Garcia, Erica Ungria, Mary Michelle Delas Alas, Alyssa Michelle de Lemos, Cyron Poblador, at Robert Ramos ang ikatlong puwesto sa Collaborative Publishing Filipino. Nakamit nina Loyd Andaya, Ciedelle Aranda, Eloisa Su biel, Karen Tadeo, Krizzle Callo, Angelica Tanala, at Dana Isabella Urieta and ikalawang puwesto, at nina Jerico Del Castillo, Rovielyn Burac, Merab Joy Guion, Abegail Manzano, John Lloyd Polinag, Jan Carlo Navasca, at Joshua Landong ang ika-limang puwesto sa Scriptwriting ang Radio Broadcasting, English at Filipino. Ang mga nanalo ng una hanggang ikatlong puwesto ay lalahok sa darating na Regional Schools Press Conference nagaganapin sa Angels Hills, Tagaytay City, Disyembre 3-5, 2015. Φ