Dumagsa sa Capitol Training Center ang mga kabataang sinanay upang maging film makers upang daluhan ang kauna unahang Youth Short Film Festival kasabay ng pagdiriwang ng ika-65 taong pagkatatag ng Occidental Mindoro, Nobyembre 11.
Kasama ang mga gumanap sa kani-kanilang pelikula, isang kakaibang pagkakataon para sa kanila ang lumakad sa red carpet suot ang pormal nilang kasuotan. Nagsimula ang unang bahagi ng programa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng lima mula sa labing isang pelikulang ginawa ng mga “short film makers”. Dumalo at nagbigay ng maikling mensahe sina Hon. Peter J. Alfaro, para sa pambungad na pagbati, Dir. Lydio M. Español jr. at Hon. Mario Gene J. Mendiola. Inawit rin ang mga orihinal na soundtrack ng ilan sa mga pelikula, Melnie Rose Urbina at Jhonaliza Casilagan na inawit ang “Abot Tanaw” orihinal na awit ng Rizal NHS para sa pelikulang “Tanikala”, Angela Robles para sa kantang “Puroy” ng Abra de Ilog NHS at “Bakit Kaya” na inawit ni Dweine Irish Pedraza ng Paluan NHS. Layunin ng Youth Short Film Festival na lalong mapahalagahan at mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga kabataan sa pagbuo ng short film na magbibigay aral at inspirasyon sa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon. Tumanggap ng parangal ang iba’tibang kalahok bilang pagkilala sa dedikasyon at panahong inilaan nila sa pelikula, natatanging pagganap at maayos na pagkakabuo ng pelikula.Ang Rizal NHS ang nagwagi sa labing isang pelikula at lalaban sila sa National Youth Short Film Festival.Φ
Ni Allory Tadifa
0 comments:
Post a Comment