Mga manunulat ng Ang Punyal, namayagpag sa DSPC 2015

    
“DSPC 2015, we are the champions!” Ito ang naging sigaw ng mga kalahok ng Sablayan National Comprehensive High School nang muli ni- lang pinatunayan ang kanilang natatanging galing sa pamamahayag nang kanilang masungkit ang kampeonato sa ginanap na Division Schools Press Conference sa San Jose National National High School, Nobyembre 3-6, 2015.   Parehong nakamit ni  Gabriel Ebora (G9) at Paolo Palomar (G9) ang kampeonato sa pagsulat ng Isports, English at Filipino. Inuwi naman ni Kimberly Valentin (G9) ang kampeonato sa Pagwawasto at Pag-uulo ng balita. Sinungkit ni Bea Mae Punongbayan (G8) ang kampeonato sa Photo journalism and Layouting English at ikalawang puwesto sa Science and Health writing English. Inuwi din naman ni Luv Chiles Torres (G8) at Juvy Verdida (G10) ang ikatlong puwesto sa Pagguhit ng Editoryal, English at Filipino. Nakuha ni Julianne Allyson Garcia (G8), Estel Ramirez (G7), at Maries Christina Hernandez ang ika-anim na puwesto sa pagsulat ng Editoryal, Photojournalism and Layouting Filipino, at News writing English ayon sa pagkakasunod-sunod. Sinungkit nina Jessie May Solabo (G10) at Marinella Regalado (G10) ang ika-pitong puwesto sa pagsulat ng Balita at Lathalain ayon sa pagkasunod-sunod. Nakamit naman ni Zerinna Jin Del Rosario (G8) ang ika-siyam na puwesto sa Copyreading and Headline writing English. Sinungkit naman nina Diana Grace Manzano, Jaira Edrianne Garcia, Erica Ungria, Mary Michelle Delas Alas, Alyssa Michelle de Lemos, Cyron Poblador, at Robert Ramos ang ikatlong puwesto sa Collaborative Publishing Filipino.      Nakamit nina Loyd Andaya, Ciedelle Aranda, Eloisa Su biel, Karen Tadeo, Krizzle Callo, Angelica Tanala, at Dana Isabella Urieta and ikalawang puwesto, at nina Jerico Del Castillo, Rovielyn Burac, Merab Joy Guion, Abegail Manzano, John Lloyd Polinag, Jan Carlo Navasca, at Joshua Landong ang ika-limang puwesto sa Scriptwriting ang Radio Broadcasting, English at Filipino.   Ang mga nanalo ng una hanggang ikatlong puwesto ay lalahok sa darating na Regional Schools Press Conference nagaganapin sa Angels Hills, Tagaytay City, Disyembre 3-5, 2015. Φ

Ni Bea Mae Punongbayan

Youth Short Film Fest, isinagawa kasabay ng 65th Founding Anniversary ng Oksimin

    Dumagsa sa Capitol Training Center ang mga kabataang sinanay upang maging  film makers  upang daluhan ang kauna unahang Youth Short Film Festival kasabay ng pagdiriwang ng ika-65 taong pagkatatag ng Occidental Mindoro, Nobyembre 11.
     Kasama ang mga gumanap sa kani-kanilang pelikula, isang kakaibang pagkakataon para sa kanila ang lumakad sa red carpet suot ang pormal nilang kasuotan.   Nagsimula ang unang bahagi ng programa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng lima mula sa labing isang pelikulang ginawa ng mga “short film makers”. Dumalo at nagbigay ng maikling mensahe sina Hon. Peter J. Alfaro, para sa pambungad na pagbati, Dir. Lydio M. Español jr. at Hon. Mario Gene J. Mendiola. Inawit rin  ang mga orihinal na soundtrack ng ilan sa mga pelikula, Melnie Rose Urbina at Jhonaliza Casilagan na inawit ang “Abot Tanaw” orihinal na awit ng Rizal NHS para sa pelikulang “Tanikala”, Angela Robles para sa kantang “Puroy” ng Abra de Ilog NHS at “Bakit Kaya” na inawit ni Dweine Irish Pedraza ng Paluan NHS.    Layunin ng Youth Short Film Festival  na lalong mapahalagahan at mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga kabataan sa pagbuo ng short film na magbibigay aral at inspirasyon sa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon. Tumanggap ng parangal ang iba’tibang kalahok bilang pagkilala sa dedikasyon at panahong inilaan nila sa pelikula, natatanging pagganap at maayos na pagkakabuo ng pelikula.Ang Rizal NHS ang nagwagi sa labing isang pelikula at lalaban sila sa National Youth Short Film Festival.Φ

Ni Allory Tadifa

History Week, idinaos

  “Balik-tanaw: Kasaysayang humubog sa bayan”.    Ito ang naging tema ng nagdaang History Week na ginanap sa Sablayan National Comprehensive High School, Set. 22 – 23 na pinangunahan ng pamunuan ng Samahan ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas at departamento ng Araling Panlipunan.   Tampok sa nasabing programa ang pagkakaroon ng History Quiz na dinaluhan ng mga piling estudyante ng bawat pangkat. Sa huli, itinanghal na kampeon si Antonette Jean F. Crystal na nagmula sa G-10 pangkat Faith. Nagkaroon din ng Film showing ng pelikulang “Bonifacio ang unang Pangulo”.Φ

Ni Kimberly Valentin 

Water System, bleachers, ipinagawa

 “Marami ng mapagkukunan ng tubig. Sapat na pinagmumulan at may mga alternatibo na ang Sabnahis. Kapaki-pakinabang din ang mga bagong upuan sa mga mag-aaral at kaguruan. Maaring mapagpahingahan, pasyalan, at lugar ng pagkukwentuhan. Isa itong pook kung saan maaring mag-aral at magmunimuni.”
   Iyan ang binanggit ni Glecilda Urieta, Ulong Guro IV ng Araling Panlipunan  ng Sablayan National Comprehensive High School  ukol sa pinaayos na water system at pinagawang bleachers.   Nitong Hulyo ng sinimulan ang pagsasagawa at pagpapaganda ng water system kasama ng bagong tangke ng tubig sa Math Park ng nasabing paaralan. Umabot ng Php. 146 638 ang nailaang pondo para sa gawaing ito. Naisakatuparan ang proyektong nasabi nitong Agosto.   Kasunod nito ang pagpapagawa ng mga bagong upuan sa silong ng puno ng manga o mga bleachers sa tapat ng gusali ng TVE at silid aralan ng regular class. Sa pagtutulungan na ginawa ng  lahat departamento ng Sabnahis ay nai
    “Marami ng mapagkukunan ng tubig. Sapat na pinagmumulan at may mga alternatibo na ang Sabnahis. Kapaki-pakinabang din ang mga bagong upuan sa mga mag-aaral at kaguruan. Maaring mapagpahingahan, pasyalan, at lugar ng pagkukwentuhan. Isa itong pook kung saan maaring mag-aral at magmunimuni.” sakatuparan ang nasabing proyekto. Nagkakahalagang Php. 10 800 ang inilaan ng bawat isa.Φ

Ni Jerico Del Castillo